Be not Highminded, but Fear

Si Adelphos Bernabe, na kasamang tagapagmana ni Cristo, at kasangkap ng katawan, at may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio, sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa Pilipinas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Siyang nagtamo ng aking salita, salitain niya ang aking salita na may pagtatapat (Jeremias 23:28).

Be not highminded, but fear; for if God spared not the natural branches, take heed lest he also spare not thee.

ROMA 10 (ADB1905)
19 … sinasabi ni Moises, Ipamumungkahi ko kayo sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bansa, Sa pamamagitan ng isang bansang mangmang ay gagalitin ko kayo.
20 At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi, Ako’y nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap sa akin; Nahayag ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa akin.
21 Datapuwa’t tungkol sa Israel ay sinasabi niya, Sa buong araw ay iniunat ko ang aking mga kamay sa isang bayang suwail at matutol.
(ROMA 11)
1 Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka’t ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa angkan ni Benjamin.
2 Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na nang una pa’y kinilala niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi:
3 Panginoon, pinatay nila ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga dambana; at ako’y naiwang nagiisa, at hinahanap nila ang aking buhay.
4 Datapuwa’t ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya? Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal.
5 Gayon din nga sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya.
6 Nguni’t kung ito’y sa pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya.
7 Ano nga? Ang hinahanap ng Israel ay hindi niya kinamtan; datapuwa’t ito’y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba’y pinapagmatigas:
8 Ayon sa nasusulat, Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog, ng mga matang hindi nangakakakita, at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig, hanggang sa araw na ito.
9 At sinasabi ni David, Ang kanilang dulang nawa’y maging isang silo, at isang panghuli, At isang katitisuran, at isang kabayaran sa kanila:
10 Manganglabo nawa ang kanilang mga mata, upang sila’y huwag mangakakita, At laging baluktutin mo nawa ang kanilang gulugod.
11 Sinasabi ko nga, Nangatisod kaya sila upang mangahulog? Huwag nawang mangyari: datapuwa’t sa pagkahulog nila’y dumating ang pagkaligtas sa mga Gentil, upang ipamungkahi sila sa paninibugho.
12 Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila?
13 Datapuwa’t nagsasalita ako sa inyong mga Gentil. Palibasa’y ako nga’y apostol ng mga Gentil, ay niluluwalhati ko ang aking ministerio;
14 Baka sa anomang paraan ay maipamungkahi ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman, at maligtas ang ilan sa kanila.
15 Sapagka’t kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay?
16 At kung ang pangunahing bunga ay banal, ay gayon din ang lahat: at kung ang ugat ay banal, ay gayon din ang mga sanga.
17 Datapuwa’t kung ang ilang mga sanga’y nangabali, at ikaw, na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo;
18 Huwag kang magpalalo sa mga sanga: datapuwa’t kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo.
19 Sasabihin mo nga, Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib.
20 Mabuti; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila, at sa iyong pananampalataya’y nakatayo ka. Huwag kang magpalalo kundi matakot ka:
21 Sapagka’t kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin.
22 Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa’t ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan: sa ibang paraan ay ikaw man ay puputulin.
23 At sila naman, kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib: sapagka’t makapangyarihan ang Dios upang sila’y isanib na muli.
24 Sapagka’t kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw, at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo; gaano pa nga ang mga ito, na mga talagang sanga, na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo?
25 Sapagka’t hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo’y mangagmarunong sa inyong sariling mga haka, na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;
26 At sa ganito’y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat, Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas; Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan:
27 At ito ang aking tipan sa kanila, Pagka aalisin ko ang kanilang mga kasalanan.
28 Tungkol sa evangelio, ay mga kaaway sila dahil sa inyo: datapuwa’t tungkol sa pagkahirang, ay mga pinakaiibig sila dahil sa mga magulang.
29 Sapagka’t ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago.
30 Sapagka’t kung paanong kayo nang nakaraang panahon ay mga masuwayin sa Dios, datapuwa’t ngayon kayo’y nangagkamit ng habag sa pamamagitan ng kanilang pagsuway,
31 Gayon din naman ang mga ito ay naging mga masuwayin ngayon, upang sa pamamagitan ng habag na ipinagkaloob sa inyo, sila nama’y magkamit ngayon ng habag.
32 Sapagka’t ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan, upang siya’y mahabag sa lahat.

Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon, sapagka’t ang panaho’y malapit na. – Apocalipsis 1:3

Published by Adelphos Bernabe

Fellow heir, member of the same body, and partaker of the promise in Christ Jesus through the gospel.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create your website with WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: